Pilipinong pagkakakilanlan: Binigyang buhay sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika

Written by: 
Regina Student Publication
Buwan ng Wika

Naging matagumpay na idinaos ang pagdiriwang ng buwan ng Wika na may temang "Filipino at mga Katutubong wika: Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha" na ginanap sa Notre Dame of Midsayap College ngayong araw Agusto 31, 2022 ala una ng hapon 

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Laureliado Klab ng Departamento ng Edukasyon.

Nagsimula ang programa sa pamamagitan ng pagdarasal na pinanguluhan ni Abdulrahman B. Piang para sa Muslim na panalangin, at Geralyn Tameses para naman sa Kristiyanong panalangin. 

Malugod namang pinasinayaan ni  Ma. Regina M. Manganti,  MAED, ang mga guro at mga kolehiyong mag-aaral ng Departamento ng Edukasyon na kung saan pinasalamatan nito  ang mga dumalo sa programa at binigyang diin na patuloy na pahalagahan at pagyamanin ang wikang Filipino sa ano mang larangan na aasamin.

Ibinida din ng mga estudyante ang ibat ibang katutubong kasuotan sa pamamagitan ng pag rampa sa entablado na kinagiliwan ng mga manunuod. 

Samantala, itinampok din ang inaabangan ng lahat ang kompitisyon sa Poster, Pagsulat ng Tula, Pagsulat ng sanaysay, Balagtasan, Spoken word poetry, Community Quiz bee, at ang paggawa ng Online banner. 

Ang mga kalahok ay mula sa English Circle, Los Pioneros, Young Educator's Society, Science Blithe Club, Math Zero Phobia, Junior Philippine Institute of Physical Educator's, at GTTE Club ang 7 organisasyon ng Departamento ng Edukasyon.

Ang mga patimpalak na Poster, Pagsulat ng Tula, at Pagsulat ng Sanaysay ay ginanap sa JBB AVR. Ang Balagtasan at Spoken Word Poetry naman ay ginanap sa Bulwagang Genoveva Deles-Jaranilla. 

Matapos ang patimapalak, agad namang inanunsyo ang mga nagwagi sa patimpalak:

Balagtasan
1st-  English Circle
2nd-  Los Pioneros
3rd- Young Educator's Society

Spoken Word Poetry
1st- English Circle
2nd- Los Pioneros
3rd- Young Educator's Society 

Community Quiz Bee
*Los Pioneros

Poster Making
1st- Science Blithe Club
2nd- Young Educator's Society 
3rd- English Circle

Online Lay- out Banner Competition
1. Los Pioneros
2. Math Zero Phobia
3. Science Blithe Club

Ibinahagi naman ni Ma. Kaye Alexis Oton, LPT, ang kanyang pangwakas na  mensahe, ayon sa kanya na ang tema ng Wika 2022 ay indiksyon ng patuloy na pagbabantayog ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na sana'y ang pagpapahalagang ito ay mas umigting pa sa mga susunod pang taon, lalo't higit ay nanganganib na matakpan ang ating Pilipinong pagkakakilanlan ng mga maka-dayuhang empluwensiya.

 

CTTO : Regina Student Publication