Technology and Digital Tools in Peer Facilitation: Empower with Action

Written by: 
Ericca Fabia
Technology and Digital Tools in Peer Facilitation: Empower with Action

STEP BY THE STEP na naisagawa ng ating peerkadas slash Senior Peer Facilitators ang kanilang On-going Formation Program for Facilitators na may temang “Technology and Digital Tools in Peer Facilitation: Empower with Action” na ginanap kahapon ng ika-7 ng Agosto 2025 sa JBB-AVR. Ang seminar na ito ay pinangunahan ng ating Guidance and Testing Center Directress na si Ma’am Maria Fe S. Mahinay, RGC, RPm kasama ang ating PFS advisers, Sir Norvelito A. Dumayag at Ma’am May Ann A. Orantes, LPT. Kabilang din sa seminar ang presence ng ating guidance advocate na si Sir Ronilo Dela Peña at school psychometrician Ma’am Sherlie J. Naiz, RPm.

Sa loob ng limang oras ay matagumpay na naisagawa ang layon ng Peer Facilitators' Society na maghasik ng kaalaman tungkol sa mabisa at maingat na paggamit ng teknolohiya sa pagsasagawa ng peerkada duties sa iba’t- ibang tools tulad ng Facebook, Google meet, Mentimeter, Tiktok at iba pa. Ang seminar na ito ay masiglang nilahukan ng 4th year Bachelor in Human Services.

Malalaman mo talagang SUMAKSES  dahil sa pagtatapos ng seminar ay ginawaran ang mga kalahok ng certificates, tama, hindi lang isa kun'di dalawang certificates ang natanggap ng ating peerkadas. Ang revelation? Certified Senior Peer Facilitators na ang mga peerkada na ito! SPF? Plus plus plus plus! Ariba with knowledge and confidence! Congratulations and good job, peerkadas!

View more images